may the good Lord bless us all. see ya' 'round.

ang trip kong tula

as my hand grabs you
i feel your smoothness.
through my spectacles, i glance
at your red-toned skin.
red.
as red as christ's blood of atonement.
your smell enchants me to savour you.
i just can't help it.
my heart is telling me to devour you.
your succulent flesh
as soft as woven cotton,
so pure, with no trace of blemish.
your clear juice,
irresistible,
sweeter than amrit water.
my heart beats really fast.
i am grasping for air while
holding you.
turning breathless, i am.
let me die in your sweetness.

-the fruit 2002 ni TRAM21 ng peyups.com (ako rin ito).

kotabol kowts

"if this were a dictatorship, it would be a heck of a lot easier-so long as i'm the dictator."
-mula sa bibig ni george 'dubya' bush, panGULO ng amerika. sinabi noong disyembre 2000. (mula sa isang artikulo ni cs de quiroz ng inquirer.)

diskleymer

ang sayt na ito ay naglalayong makapaglahad ng mga saloobin ng may-akda. sinasalamin nito ang kanyang mga pananaw sa kaniyang sariling buhay, sa buhay ng mga taong kanyang nakasasalamuha, gayundin sa buhay ng mga taong pilit na nakikialam sa natural na pagkilos ng bansa (katulad nina jose at gloria arroyo de pidal.) siya nga pala, ang sayt na ito ay tampulan din ng kakornihan kaya mag-ingat sa pagbabasa kung ayaw ninyong masira ang masayang araw niyo.

(c) Setyembre 2002. ang mangopya, kasimpangit ni gloria!












kagagawan ng tagboard:::pasintabi: hwag gawing chatrum ang tagbord. salamat!
neym

e-liham

mensahe(ismayli)

 
ARKIBO
<< current













 
propayl

ako si martinong kulugo. sa pilipinas ako ipinanganak. naranasan kong mag-aral sa akron, ohio nang halos apat na semestre, pero napagtanto kong sa up talaga ako nabibilang.kumukuha ako ngayon ng agricultural economics sa elbi. ayaw ko rin nga pala sa giyera. kaanib ako sa IGLESIA NI CRISTO. di na ako matitinag ng kung anopamang digmaan. nasa bibliya naman kasi na ang lahat ng ito ay nakatakdang maganap bago sumapit ang nakatakdang araw. nangangarap akong maging miyembro ng bandang incubus kahit na isang gabi lang. peyborit ko ang mga palabas na 'spongebob squarepants', 'monk', at 'ang tamang daan.' may dalawa akong kapatid na babae at dalawang kapatid na lalake. paborito kong ulam ang paksiw na hiwas, pritong tulingan, grilled gindara at karekare. marunong din akong magluto. gusto mo akong mapasaya? ibili mo ako ng pastillas galing bulakan! wala pa akong gelpren sa ngayon. kontento na rin ako. kailangan ko lang na maging mapagpasensya. hihintayin ko kung kelan magiging handa ang sarili ko. ipinagmamalaki kong ako'y naging MASCIAN. ikinararangal ko ang pagiging ISKOLAR NG BAYAN.

ilang mga datos:

pangalan: martinong kulugo (di tunay na pangalan)
kaarawan: araw ng kamatayan ni rizal (kalimutan na ang taon. walang saysay para malaman pa)
paaralan: uplb
kurso: bs ag.econ
saan madalas masumpungan: sa kapilya tuwing sabado at linggo; sa tambayan ng upcb sa physci sa elbi; sa sm southmall sa may second floor.
msn/yahoo messenger id: napakaoa/kulukoynimart

mga lingks

dating sapot
philippine sites
progeny...banda ni riasa
tropang susmariosep
angel
weeza
ate jet
ate sienna
ate yvette
jah
jio
dennis
ederic
kuya aajao
belle
daisy
mina
keng
ayeza
rose
ash
batang timawa
tristancafe
beans
kokeshi
kramer
angelhoney
keech
abs
angela
liz
tatang REtong
poknat
bugoy
alwyne & tiez
lunacy
gsbwizard
pat
emjay
apoljuice
apolthegreat
peyups
tinig
/philblogawards, vote 4 me/
incubus

mga mapanganib na lingks

websayt ng tarantado
websayt ng tuta
jerry, asawa ni oprah



martino says GOODBYE!
 
viernes, octubre 08, 2004  
last post

matagal-tagal rin tayong nagsama. two years mahigit. ang dami ko nang naibahagi. saya. lungkot. galit. poot. frustrations. pagtatagumpay. pero dumating na ang sandaling kailangang magpaalam.

hindi lamang ako sa blog nagpapaalam. marahil, nagpapaalam na rin ako sa UPLB. sa UPLB na aking minahal. may dumaig kasi sa pagmamahal ko sa paaralang ito. ang pagmamahal sa Dios. nais ko nang mapabilang sa Kaniyang mga pastol sa Kawan. nais kong mag-aral ng pagka-ministro.

kung paano ito sumapit sa akin, di ko alam. kung paano ko ito sasabihin sa tatay ko, mas lalong wala pa akong plano. pero sa tingin ko, at sa udyok ng Sinasampalatayanan ko, sa ministeryo ko makikita ang kaligayahan. sana, paghindapatain ako ng Panginoon.

Ama, nais ko ang mapaglingkuran Ka.
Ipahintulot Mo ang mapabilang ako sa banal na ministeryo.
Sa paglilingkod ko nababanaag ang kaligayahan.
Sa paglilingkod ko nais na manatili hanggang kamatayan.

19:52


lunes, septiembre 27, 2004
 
paalam. hanggang sa muli. mamamahinga muna.
04:15


martes, septiembre 14, 2004
 
Maligayang ika-28 Kaarawan, UPLB-CBI!

01:40


sábado, septiembre 04, 2004
 
birthday ni mommy ngayon. i still miss her so much.

05:12


 
SO WE FINALLY KICKED ATENEO'S ASS!

Panalo ang UP laban sa Ateneo! Heto ang link!

I am so HAPPY! VERY HAPPY!

*****
hanga ako sa mga pagbabago sa blogger. madali nang magpalit ng font, mag-upload ng photos at pagandahin ang bawat entries. for sure, pagkatapos ng mala-impyernong semestreng ito, i'll be posting more often. BLOGGER RULES!

*****
HIGHLY RECOMMENDED!
nung sunday, pagkatapos ng worship service, inalok ako ni sis. anna ng isang box ng chocolate crinkles (16 pcs sa isang kahon) for only 50 bucks. ang aking verdict: ito na ang pinakamasarap na chocolate crinkles na natikman ko. naglalaban yung bitterness sa sweetness ng cookies. soft, chewy and really yummy. i'm craving for more.

*****
food for the political soul:

kapag sinabing magtipid ang mga pinoy, dapat magsimula sa lider. tama ba namang isama ni ate glo ang mga anak, apo at ang mga yaya ng mga apo sa kanyang trip sa china?

nagtatanong lang po.



04:53


jueves, agosto 26, 2004
 
nang mabuhay ang patay

tigang...patay....dedbol.....wanamasabi......ito ang nagyari sa blog na ito nitong nagdaang buwan. busy sa skul (asus! tunay nga kaya?), sa church...yeah, mas busy sa church coz we've got three new officers coming from the US and you know, they do not speak Filipino so my Roget and Webster became my instant bestfriends! wassup y'all! you all dawgs! tama na ang ka-jologan. mabalik sa matinong ushapan.

ang daming nangyari. a lot of good things (syempre, pag may good, may bad din!) unfolded before our very eyes. syempre, unahin na natin ang olympics. ang homecoming ng olympics sa athens. athens should have hosted it noong 1996 (the centennial games). pero syempre, magaling mag-power play si angkol sam, kaya napunta sa bulok na atlanta. pero it was worth the wait. despite the doping scandals, okay pa rin. nakakatuwa na imbes na stuffed toy ang ibinibigay sa mga winning athletes, pinuputungan sila ng olive wreath sa ulo. truly greek. i adored the opening ceremonies. nakakatuwa yung pseudolake sa gitna ng stadium. plus the adorable gianna daskalaki (kayo na mag-research kung sino siya.) i love her accent. i simply like her. pero olats pa rin ang philippines. yun nga ang naging topic ng isang editorial ng inquirer. puro consuelo de bobo ang naibabalita sa pilipinas. wala kasi tayong definite sa plan of action para sa sports. tapos, we still have the balls to host the SEA games next year? ambilibabol!

gloria, as usual, is still bad on the headlines. una, nag-appoint siya ng mga opisyales pambayad utang sa mga nakatulong sa kanya noong eleksyon. bakit pinalitan ang competent na DA sec? DENR sec? at ngayong humahanga na ako kay Pagdanganan sa DOT, bilang pagtanaw ng jutang na loob, e isasabak ang bagitong si ace durano ng cebu? ika nga ni ex-DOT sec-now-senator Gordon, di dapat gawing venue for ojt ang mga sangay ng gobyerno. di naman kasi laro ang pamamalakad dito. ay oo nga pala. nasa pilipinas tayo. ang pagpapapalakad ng pamahalaan ay isang malaking laro. o sugal. hay naku! another six years. pero i still can't imagine kung si fpj ang nanalo. damn! melanie marquez sa dfa? harharhar! then she declared na ang pilipinas ay nasa isang fiscal crisis. actually, winarningan na ng mga minamahal kong ekonomista ng peyups na kung walang pagbabago sa mga polisiya ng pamahalaan sa susunod na tatlong taon, di na tayo nalalayo pa sa sitwasyon ng argentina. ang solusyon, bawasan ang pork barrel. na siyang ayaw naman ng mga kongresistang buwaya! damn, may fiscal projects ba sa lahat ng distrito ng pinas? meron! nag-iinvest ang mga tong-gressman sa mga travel tickets papuntang US. yung iba naman, may investments sa mga kerida at sa mga palamuning boy toys. lintek! kaya wala tayong mahita sa gobyerno. puro hita kasi ang inaatupag.

buti na lang, si frenchie ang nanalo sa star in a million.

kaya, happy pa rin ako.

saka, di na ko nagyoyosi.

mas happy.
20:42


miércoles, agosto 04, 2004
 
punta kayo peyups.com. ako author isa artik dun. wrote it when i still love my cig. pero ngayon, dili na.

hello sa mga cbians sa cebu south district!

02:59


lunes, julio 19, 2004
 
last thursday, i almost died

naulanan kasi last wednesday.

yan tuloy, hinika.

wala na akong gamot.

took my shirt off.

di pa rin makahinga.

i tried taking a bath.

felt like i'm drowning.

i closed my eyes and uttered a short prayer.

"Father, if it's my time, please do not make it any longer. take me into Your embrace. but if You would still allow me to serve You, show me a sign."

i dragged myself to the fridge.

opened it, saw an almost-empty bottle of ventolin expectorant.

syempre sinimot ko.

closed my eyes once more then prayed, "thank You Lord. I promise to quit smoking forever. most of all, i'll be a worthy instrument to show how compassionate and kind You are."

remembered morrie schwartz.

"detach yourself from reality.....detach yourself."

detach myself then surrender my life to Him.

God is good.

03:58


martes, julio 06, 2004
 
nilalabag ko ngayon ang aking every-friday-is-blog-updating day scheme. di makatiis ang aking mga daliri sa dami ng nangyari sa akin (at sa ating lahat) nitong maghapon.

ang si-bi-ay, baw-waw-waw!

ang UPLB CBI (University of the Philippines Los Banos Christian Brotherhood International, for long, soooo long) ang organisasyong aking kinaaaniban dito sa sangka-elbihan. ito ay binubuo ng mga anak na babae at lalake ng Sion mula sa malayong silangan sa mga wakas ng lupa na nag-aaral sa peyups elbi (gets niyo yon? read the bible and thou shalt be enlightened). ang mother chapter namin ay sa up diliman, tapos ay umusbong sa kamaynilaan at iba't ibang bahagi ng pilipinas noong late 70s. balita ko, may tsapter na rin ang CBI sa Harvard, UCLA, UC Berkeley at University of Toronto.

masaya sa CB. iba't ibang mukha. iba't ibang pagkatao. iba't ibang personalidad. parang fruit salad. halu-halo, pero distinct ang mga personaheng bumubuo nito. may mabait. may saksakan ng.......bait. may masungit at mainitin ang ulo. may kalmado. may hyper. may stoic. may sensitive. may bato. may mataba (di ba rye?). may payat (di ba fionget?). may matangkad. may 'kyut.' may liwanag. may dilim. may mahilig mag-yosi(ahem-ahem). may malinis ang pamumuhay (isa pang ahem-ahem, sabay guho ng physci bldg.)

lahat na yata ng mga isyung umiinog sa lipunan, sa skul, sa ilalim ng puno ng acacia, maging mga madidilim na katotohanan ukol sa buhay ng may buhay, napapag-usapan sa aming tambayan. pastime na namin siguro. pero di lang ito ang talent namin. maraming talentado sa grupo. merong mahilig sa mikropono (buhay o patay?), yun bang walang sawa sa pagkanta kesehodang mabasag ang aming mga eardrum. may mahusay mag-stand up comedy. marami ring dramatista. mahuhusay ding magsayaw ang ilan. kung tatapatan namin ang cultural center of the philippines, marahil, kailangan na nilang magbaba ng telon, dahil isang maaking mangkok na sagana sa kultura ang aming koponan.

gusto niyong makakita ng nerd? mga academic experts? marami din kami niyan!ang aming tambayan ay nagiging review center kapag malapit na ang exams. marami kaming ka-brod at ka-sis na pwedeng maging instant tutor kapag nangangalingarang na ang ilan sa math 11 (22, 33, 44 and the cycle never ends) physics (1, 3, 81...) stat 1, eng1 and 2, at syempre, sa pinakasikat na econ (mag-promote daw ba? by the way, uno ko ang econ 11! hehehehe). meron ding mga instant doctors and nurses. at marami ring mga fashion consultants (na nilalait ang kakilala kong si miss j sa tuwing siya ang mapagagawi sa tambayan.)

may mga di man pagkakaunawaan, nakukuha din naman ito sa maboteng, este mabuting usapan. ganun naman talaga dapat. kailangang di mapuputol ang mga linya ng komunikasyon. dapat ding malawak ang pag-iisip. ang mapipikon, talo. di tulad ng ibang kakilala natin diyan (isa itong malaking intriga, da who...?)

marami sa cbians ang milya-milya ang layo sa pamilya. may ilan din namang may pamilya nga, e parang nasa ibang planeta naman dala ng mga di maiiwasang consequences ng isang bagay na kung tawagin natin ay life. pero ang CBI ang siyang tumayong pamilya para sa aming lahat. may mga ate at kuya, diko at ditse, bunso, at syempre, si Lord God na ang aming Father.

ang CBI ay parang kutson. masarap higaan kapag may problema, kahit na rin wala, okey na. sa kutsong ito, nagkasama-sama ang isang batalyon ng mga kuyog na di matatawaran ang pagkakasanggang-dikit sa isa't isa. may ilang kaluluwa mang nawawala, ika ni gary v, babalik din sila. s'an ka pa? ang beer, okey na kaibigan, pero di panghabambuhay. ang CBI, kahit na walang serbesa, swak na!

*****by the way, kumain ako kanina sa papu's siomai with one of my CBI crushes. bakit ko nabanggit? naglaro kasi kami kangina ng mga ka-sis at ka-brod sa may physci bldg. ng truth or dare. nagkabukuhan ng top 5 crushes, at isa siya sa nasabi ko. we were soakin' wet dahil sa pesteng ulan. she ate 5 siomais and 1.5 cups of rice. i got 8 siomais and three cups plus a bottle of orange soda.

at siya nga pala. sad ako ngayon. just heard from my li'l sis that jenny, dad's ex-girlfriend, is getting married soon to her long lost boyfriend. prospect ko sana. she's only 26. and i'm 21. she's cute. i'm....kind hearted. we're both smart. sayang, magandang lahi pa naman sana ang pwedeng simulan.

02:00


viernes, julio 02, 2004
 
elbi food review

pagkakuha ko ng huli kong sweldo, napagkatuwaan kong mag-foodtrip sa elbi. iba kasi ang aura ng pagkain dito. kung may magnet ang bundok, ganundin ang sangkaterbang kutkutin. kaya, simulan na natin ang pag-galugad sa masasarap na pagkain dito sa aking lungga.

oreo cheesecake, sa loob ng vega centre - akshuli, parang di siya cheesecake. di kasi masyadong solido yung cream cheese feeling. pero kahit na parang sorbetes ang texture niya, iba pa rin ang effect sa panlasa ng pinaghalong keso at tsokolate. wa na akong ma-say. 2 stars para dito!

papu's siomai, topping ng chowking chao fan. - kapag kasi bumibili ako ng chao fan (ako ay fan ng chowking simula noong elementary pa lamang ako) kailangan mong magdagdag ng 19 pesos para sa topping na siomai, dumpling at sari-saring dimsum. mahal na, bitin pa. ang ginawa ko, bumili ako ng siomai sa papu's, ang pinakasikat na siomayan sa angka-elbihan. ang resulta....isang potent combination na nagpalikot sa aking taste buds. iba talaga ang arayb ng siomai ng papu's. subtle ang lasa, very tender at sulit ka sa onse pesos. plus may chowfan pa. so naka-save ako ng 8 pesos. sa akin, 24 stars ito!

turon ni manag irene - si manang irene ay ang suki naming vendor na dose ang anak sa asawang basag-ulo na andres da saya. sulit ang turon. sagana sa asukal, sagana sa saging, sagana rin ang tindera sa tsismis, intriga at kuwentong buhay. 50 stars. yun na po!
20:32


lunes, junio 28, 2004
 
buhay elbi, tsapter porgaten

ang daming tao sa tambayan ng org namin. ang dami ring freshpeople (mga bagong salta sa kabundukan). sa biyernes ang welcome night, and we're still trying to figure out kung paano sila iwe-welkam. tiyak na aatake ang mga kupaloids. at ako ang kanilang supremo. mga freshies, mahintakutan na kayo! hahahahaha!

well, masaya ang walang trabaho, sabay 15 units lang. mas maraming oras para mag-aral (at sabay na kumulog at kumidlat sa kalangitan....), tumambay (kumalma ang langit dahil ito ang katotohanan) at makipaghuntahan sa mga kaibigan, pati ma-badtrip sa at mambadtrip ng mga kaaway. ang haba ng oras. kasing haba ng 'jumbo hotdog.'

ewan ko ba, bakit parang nababawasan na ang magagandang tsiks dito sa los banos? isa na lang kasi ang moda, hugis at lilok ng pagmumukha ng sangkatauhan dito.

may bago akong favorite. mango jam ng good shepherd sa baguio. da best! ang sawap sawap! pinalaman ko sa tinapay kagabi. inilagay ko sa kutsara sabay lantak. enjoy na enjoy ako sa sarap. di ko mawari ang feeling. pag may nagpuntang baguio dyan, isa lang ang bilin ko. mango jam. good shepherd. saka na ang bayad.

so, gloria will take her oath tomorrow. people, calm down. maging hopeful pa rin tayo. ito ngayon ang mantra ng isang pinay na naglalagi ngayon sa kanada. ang pangalan niya ay angela. tama. magkaroon tayo ng hope. pero mas masarap pa rin ang marlboro menthol. pang-kargador kasi ang hope e.

si gloria, may 10-point agenda. matutuwa na ako kahit point 10 (.10) lang ang matupad. wala pang matinong pangulo. pangGULO, sagana tayo dyan. ate glo da lavander, kahit isa man lang. sige na please.

ipalalabas sa starworld ang 'absolutely fabulous.' una ko itong napanood sa comedy central noong nasa US pa ako. da best ang mga kalokohan ng mga bidang babae dito. aabangan ko na naman. di na naman ako makapag-aaral sa ECO130 niyan.
21:33


viernes, junio 25, 2004
 
hello world!

pakiramdam ko, i kept myself in isolation. walang internet. tinatamad na sa trabaho. speaking of trabaho, magre-resign na ako next week. di pala talaga para sa akin ang call center. di ako sanay maging scripted o stagnant. di rin ako sanay sa environment na maraming scammer. di ko gusto ang trabahong nagpu-push lang sa financial gain. i want something analytical. yung talagang mapapaisip ka. like being a professor. a consultant. an economic planner. a political strategist. yung may malaking influence sa society. it's not all about money. isang aspeto lang yun. kumbaga, plus.

okay din ang LTS class ko. LTS stands for Literacy Training Service, pamalit sa bulok at hungkag na ROTC. ang topic namin ngayon ay tungkol sa truth. natutunan ko ang etymology ng salitang testimonial. may pagka-masculine pala ang origin nito. testi, as in testis. bago ka gumawa ng testimonya, kailangan mo munang hawakan ang yagbols as in bayag as in da testis nung bibigyan mo nito. kaya sa mga nagpi-friendster dyan, ingat kayo sa paghingi ng testimonial. hehehehehehehehe.

i will resign....from being a call center agent....pero di ako mag re-resign sa pagbo-blog. blogging for me is a perfect world. malaya kang magkapagsasalita. malaya kang makapag-iisip. maraming kaibigan. nakatatagpo rin ng kaIBIGan. hehehehe.

ang saya talaga dito sa elbi. elbi is home for me. elbi ang bahay ko. ayaw ko na sa las pinas. masyado nang toxic dun. i hate da word toxic pa naman dahil si britney ang nagpasikat nito. i hate britney. i like tata young though. i hate britney. pero like ko ang orgmate (kasama sa organisasyon para sa mga green minded dyan, kinaklaro ko lang) kong si liz.

smoking mood tayo ulit. pero di na kasing rampant tulad ng dati. one stick in a week, kapag inaalok. di na ako gagastos para sa isang kaha. wala lang. elbi's environment invites you to puff a stick. iba talaga dito.
03:00


miércoles, junio 09, 2004
 
wala lang, the awakening

wala lang maisip na matinong maisusulat. mas inspired talaga akong mag-blog sa elbi. kaya ibabalik ko muna ang wala lang kolum.

just came from the mid morning worship service. the sermon was about the reason why God stil blesses those people who forsake Him.

bukas, elbi time. last day ng enrolment. ako ay taong mahilig sa last day. wala kasing excitement pag nauuna ka lagi. walang mahabang pila. konti ang cute na gurls na nagiistrol sa kampus. wala ang mga friendly prends. so sa last day, susugod ako. excited na. gusto niyo buko pie? e di bumili kayo! :D

i thought i like her. pero na turn-off ako. i do not like girls who flirt too much. saka wala pala siyang sense kausap (i'm not talking about miss a here. si miss j naman ito). miss ko na si apple. si dana. mas nami-miss ko si dana. dana was my romanian girl nung nasa akron pa ako. kahit na malakas siyang magyosi, carry pa rin niya. hanep sa klas. di yata siya nauubusan nun.

ano ang constant prayer ko? na sana, i'll be successful in everything that i do. alam kong darating ang failure. pero rising up after such failures is a feat itself. failure spices our lives. without it, we'll be infested with boredom.

ka-txt ko ngayon si ka arnel, isang resident church worker sa isa sa mga local churches namin sa catanduanes. nakasama ko kasi siya dati rito sa las pinas nung sunday school teacher ko siya. ikakasal na. akala ko, ako ninong. si tatay pala. ninong na naman si dad. pang 106th na niya. ako ang nagki-keep track kung ilan. tama, pang 106. o pang 107. basta between 106 and 107.

ako. di pa ako ikakasal. ayoko munang magpasakal.

21:10


lunes, junio 07, 2004
 
there's something about los baños

balik na namang muli sa mapagpalang kamay ni inang los baños. tila may magnetong humahatak sa akin pabalik dito. kahit na gahol sa oras dala ng iskedyul sa trabaho, indyukan ako ng aking utak na gumas tos ng sitenta pesos upang muling makayapak sa lupang kinatitirikan ng mahal kong unibersidad. ang sarap ng hangin. ang ganda ng tanawin. kasama na ang mga magaganda't maririkit na binibini. haaayy! kaysaya dito! ayaw ko nang bumalik pa ng maynila. pero kailangan ng atik. di bale, may bukas pa. bukas, narito akong muli!

*****

ibinalik ako sa 9-6 schedule sa trabaho. i'm currently dialling the hardest marketing campaign that the company currently has. kinausap ko na ang mga superiors ko kung puwedeng maibalik sa 9-3 sked with my former campaign (giving out credit cards). sabi niya, she'll look into it daw. sana huwag siyang maduling kaka-look. isa lang naman ang tinutumbok ko. i want the job but i also want to go to school. di ako boto dun sa mga taong tinatamad mag-aral kahit na halos tuklawin na sila ng oportunidad. masarap mag-aral. mas marami ka pang mabuting mapapala.

*****

may ilang bagay na dapat kayong malaman tungkol sa akin.

una, kumakain ako ng plain cheesecake pero NEVER as in never ng blueberry cheesecake. ang cheesecake, dapat, cheese lang. di magandang combination para sa akin ang blueberry (o kahit na anong berry) with cheese. pag may nagbigay sa akin ng blueberry cheesecake, i would still take it...tatanggalin ko nga lang yung keso.

pangalawa, di ko kailanman kinahiligan ang panonood ng stage plays. napipilitan lang ako pag requirement sa school. but i will never spend 200 bucks just for the heck of it. mas maigi pang bumili ako ng 200 worth ng kwekkwek kesa manood ng mga nagda-drama sa entablado.

pangatlo, relihiyoso akong tao. kahit na may pagkatarantado o gago ako, malaki pa rin ang takot ko sa Dios. di matatawaran ang devotion ko sa Dios syempre sa church na rin. i make it a point na wala akong absent sa pagsamba twice a week, at natutupad ko ang aking duty bilang sunday school facilitator every week. masarap namang pagsilbihan ang Dios e.

*****

til here muna. gotta get some friggin sleep!
18:04


viernes, junio 04, 2004
 
a prayer

Father God,
Thank You for being my shield amidst the many trials and dangers I encounter everyday
Thank You for being so gentle and compassionate despite everything I've done
With all humility in my heart, I admit I transgressed Your laws and commandments
I have fallen short of Your expectations
But You still extended Your arms to welcome me into Your warm embrace
My spirit lifts with joy oh Lord!
And I look forward to be with You in Your heavenly abode
To see your Son, my Savior Jesus Christ, face to face
For You shall open the doors of heaven and Your begotten Son shall gather the chosen ones to enter Your kingdom
I am waiting, dear Lord
But while I am still here soujourning this wicked world
Continue to hold me
Continue to bless me.

In Jesus' Name, I pray and say...

AMEN!

04:58


martes, junio 01, 2004
 
wow, sekond instolment

mahaba-haba na rin ang panahong nakalipas mula nang huli akong bumisita sa aking cybertahanan. marami lang kasing inalala nitong mga nakalipas na araw tulad ng summer kindergarten at syempre, ang bago kong trabaho bilang number one mambubuwisit ng american households. plus, patuloy ko pa ring pini-figure out kung paano ang magiging siste ko sa pagpasok sa elbi sa susunod na dalawang linggo. plano kong kumuha ng 15 to 18 units muna ngayong semestre, pagkatapos ay babanat na lamang ako pagdating ng summer. masaya din pala ang ideya ng nag-aaral ng full time habang nagmimintina ng full time na trabaho. mas naging pulido ang outlook ko ngayon sa buhay. di na ako masyadong natitigatig ng problema. saka tumaas ang confidence level ko, pero level-headed pa rin. in short, bumibilis ang maturity. kasunod na ba nito ang pagdating ng rayuma, arthritis, osteoporosis at andropause?

sabi ng officemate kong si cecil (na paiba-iba ang kulay ng mata...minsan blue, minsan green...), LIFE SUCKS. totoo naman e. life sucks. it sucks. l-i-f-e s-u-c-k-s! pero ineksplikahan ko siya. i-treat na lang natin ang 'suckiness' of life bilang bagoong na kapartner ng karekare. may kakain ba ng karekare na walang bagoong? (ako yun! dahil di ako normal na tao. yung mga normal na tao, kumakain ng karekare with matching bagoong!) o di naman kaya suka na sahog ng adobo. masarap ba ang adobong manok kung di ito binabad sa suka overnight? di kumpleto ang buhay kung di tayo nabubuwisit paminsan-minsan. pero di ito dapat makaapekto sa ating mga positive vibes. dumarating ang mga challenges sa buhay para tayo ay mahulma bilang mga bagong tao. kung walang sucks pagkatapos ng word na life, hindi titindig ang mga iniidolo nating personalidad upang magbunsod ng pagbabago. walang jose rizal na mamamatay para sa bayan. walang andres bonifacio na sa kastila ay nakipaglaban. walang macario sakay. walang amado hernandez. walang lorenzo tañada. walang ninoy aquino. walang martinong kulugo. (hehehehehehe, pagbigyan niyo na. libre naman ang mangarap.)

binabati ko nga pala ang mga nag-tag sa tagboard. kina jah, riasa, taklesa (na matagal ko nang di napagkikita sa blogging industry), alwyne at tiez (na bago na ang tahanan sa mundo ng mga cyber-bagabondo), ka olan, at paolo. salamat sa pagtangkilik.

well, hihimbing na muna ako sa higaan. para may lakas mamaya. nalipat na naman kasi ako ng campaign. inilipat ako sa pinakamahirap ibenta. mahusay daw kasi akong mag-sales talk. pogi pa. (hephephep! walang kokontra. ang kokontra, makikita si dugong mamayang gabi sa inyong kama!)

21:51


lunes, mayo 17, 2004
 
wow!

musta na pipol? ang tagal ko na palang di dumadaldal dito. salamat sa mga nag-tag. salamat sa mga bumisita. well, nag-aadjust pa sa sched ng trabaho, plus i'm still trying to figure out on how to manage my sked once school starts. masaya sa trabaho. iba't ibang personalidad. ang daming magagandang chicks (hehehehehe). okay naman so far. sana walang hassle pagdating ng pasukan sa eskwelahan. swabe naman ang biyahe. and my 9pm-3am sked works well for me. enjoy sumakay sa killer bus kapag madaling araw. mula ortigas, kinse minutos lang hanggang alabang. joyride. parang roller coaster. parang buhay ng tao. ang buhay ng tao ay parang roller coaster. taas-baba. nakakapagod pero masaya pa rin.

nilalabanan ko pa rin ang pag-iwas sa yosi. isang buwang tigang. malaking achievement yun. pero may bago akong addiction. coffee. actually, di naman siya bago dahil nung nasa akron pa ako, madalas akong mag-kape sa cafe momus. kailangan kasi sa trabaho. since na ubos na ang supply namin ng kapeng barako, okay na alternative ang nescafe choco frost. ang bangu-bango. ang sarap-sarap....amuyin ng kape!

hanggang dito muna. balik ako pag ipinahintulot ng oras.

i love blogger's new look! lj sucks! blogger rules!
23:42


lunes, mayo 03, 2004
 
just my two cents worth

we were watching mtb, ang saya saya while having lunch. (come on mart, weird naman kung dinner e tangahaling tapat nga....teka, why can't we have dinner on lunchtime? ibang topic na yun! ito na yata ang adverse effect ng pagwi-withdraw ng yosi at nikotina sa aking sistema......)

hokey, mabalik tayo sa panonood ng mtb habang kumakain. tinolang manok ang ulam, na may panghimagas na manibalang na indian mango. ang sawsawan ko, bagoong. ang kay joy, patis. ang kay achi, suka. si ate cha, wala. well, hindi sawsawan at tinola ang gusto kong tumbukin, yung mtb nga.

may segment sila. yung bidaoke, nasa san mateo yata sina tado, empoy, baby bunot at baby bruno. well, heto na ang unang banat. ang kyut ni baby bunot. kahawig siya ng crush ko noong kinder two, si mara murielle. pero di pa rin ito ang ipinaghihimutok ko.

so, bidaoke nga. may isang contestant. lalaking blonde ang buhok. may mga back-up dancers pa siya. ang siste, kababata ng mga mananayaw. wala pa yatang trese anyos ang mga ineng. giri nang giri. halos maghiwalay ang kanilang torso sa pata. kaso mo, buti sana kung maayos ang pananamit. pero bakit naka bra't mini skirt lang sila? tanghaling tapat, hinayaang magkaganito ang mga paslit? di ba't malinaw na eksploytasyon ito? di ko mapapayagan ang mga kapatid ko at pinsan kong babae na wala pang trese anyos, o kahit na ano pa man ang edad nila, na kumendeng kendeng na naka-bra't mini lang sa telebisyon. maling mali. dapat medyo maging sensitive ang amga prodyuser ng show. di lahat ng tao, natutuwa sa ganito. isa na ako sa mga dismayado.

di pa rin nagbabago ang stand ko. ang mga babae, dapat tratuhin nang maayos. nakakaguilty nga lang dahil nagka-crush ako kay jen rosendahl ng bulgar na viva hotbabes. di naman kasi sila mga isda na dapat magbilad ng katawan para lang mabenta. ano ang ugat nito? kahirapan. walang sapat na trabaho. walang pera. tsk tsk tsk.
00:41


 
sagot sa mga nag-tag

Apol: hehehe! komunista ka raw ba? hehehe! musta na? napanood mo ba concert ng incubus? parang nabasa ko dito dati, inaabangan mo yun dba?

di ko napanood kuya apol. pero at least, napanood ko na sila noong 2002 sa cincinnati at toledo, ohio! sosi! :D

AYEZA: kumusta na marty? bakasyon na ba or magsummer classes ka? Ingats lang!

bakasyon, then work din sa ortigas! nakuha ako! yehey! kainan tayo! musta na?

riasa: OI MART!! Si Riasa to!! Thanks for droppping by my lj! Ill be checking yours too! XD Tagal na natin di nagkita!

ate guy! musta na? good luck sa napili mong karera, at sa bago mong taste sa fashion. malaki ang ipinagkaiba, but i'm sure that you are still the same bubbly person with a warm spirit na nakilala ko since time immemorial! ingles yun! hehehehehe.

ederic: oi, si ate glo ang "chosen one" ah. paano 'yan? btw, may g-mail invite ka na ba?

sa isyung ito (kaisahan sa pagboto), tikom ang bibig ko. devoted pa rin kasi ako sa iglesia. magiging kritikal lang ako sa kung sino man ang mananalo kapag pang-asar talo na naman ang mga policies na ipatutupad ng mga halal na opisyal sa mga mahahalagang isyu tulad ng ekonomiya at ugnayang panlabas. alam ko na yung g-mail. interesting! pero parang nakakatakot. ayaw ko pang masyadong ma-expose sa pipol op da unibers!

*****

damn! two weeks at wala pa ring yosi! ang galing galing!

i got the job! i got the job! start na ako anytime this week!

00:00


jueves, abril 22, 2004
 
buhay titser

habang wala pa akong masyadong ginagawa ngayong summer (tama ang basa ninyo, di pa rin ako nakatatanggap ng tawag para sa final interview sa call center na inaplayan ko....well, di naman ako masyadong umaasa, pero handa ko itong saluhin oras na dumating ang pagkakataon.), nag-boluntaryo akong magturo sa summer kindergarten program (skp) ng new era university (neu). proyekto ito ng iglesia ni cristo at ng neu upang matulungan ang mga batang may edad na 4 hanggang 6 na taong gulang bilang paghahanda sa pagpasok nila sa paaralan sa darating na hunyo. bukas ito sa mga kaanib maging sa mga hindi kaanib sa iglesia. para mas ma-facilitate ng maayos ang malaking volume ng enrollees, hinati sa kani-kaniyang lokal o area ang mga bata....nag-mistulang satellite campuses ng neu ang mga local churches di lang dito sa metro manila kungdi maging sa buong pilipinas. akshuli, sa pagkakaalam ko, maging ang ilang malalaking local churches sa ibayong dagat ay nagsasagawa na rin nito. o di ba! world class!

pinahawakan sa akin ni ka gie (ang aming head teacher, na sa totoong buhay ay guro sa elementarya sa isang paaralan dito sa las pinas) ang mga batang nasa edad na 4 hanggang 5. well, masasabi ko namang may ekspiryensiya na rin ako sa pagiging guro. noon kasing second year high school ako, naging volunteer teacher din ako sa skp. mas maraming bata ang hawak namin noon. fast forward........kasama ko ngayon sa teaching staff si ka gie, ka anne, ang kambal na si ka jan at ka jen, gayundin ang mga teaching assistant na pawang magmakukulit pa kesa mga bata.

unang linggo ng klase.

aba, syempre, kabado ako. di ko alam kung paano ko ito didiskartehan. ako kasi yung klase ng tao na mas nakapag-iisip kapag nakalatag na harapan ko ang problema. una kong pinroblema, ano ang isusuot ko? kelangan ko bang mag-polo? magtsi-tsinelas ba ako gaya ng nakagawian ko sa UP kong mahal? pabirong sinabi ni tatay sa akin, "paano ka igagalang kung magmumukha kang istokwang naka-tsinelas? kaya mula lunes hanggang byernes, mapipilitan akong magsapatos.

iba't iba ang timpla ng mga hawak kong estudyante. may mga nakatunganga. may mga hindi mapakali sa upuan. may mga walang pakialam kesehodang tumulo ang sipon nila. may ngawa nang ngawa. may makukulit kahit hindi bilog ang buwan. may matatalino. may hindi katalinuhan. may mababait. may salbahe. may tomboyin. may astang bakla. may siga, may tahimik. sari-sari. kung magtatayo ako ng tindahan ng bata, tiyak na maraming pagpipilian. ang nakatutuwa lang, halos lahat, curious sa lahat ng aming ginagawa. ang hihilig magtanong. may hindi ako makalimutan. yung isang bata, lumapit sa akin. nakakunot ang noo. 'teacher mart, bakit ambabaho ng kaklase ko? siguro, di sila nag-take a bath!' well, may right naman siyang magreklamo dahil siya ang pinaka-well groomed sa lahat ng estudyante ko. pero natawa ako sa pagiging reklamador niya. para kasing ako nung bata pa ako. may isa pang humirit, 'teacher mart, inaagaw niya ang baon ko! pataygutom!' sinabihan ko ang bata. dapat, matutong mag-share. sinabihan ko rin yung isa. dapat, di mangunguha ng hindi nila pagkain. kaya naging handy sa akin ang magdala ng isang lata ng skyflakes sa tuwing may klase. para wala nang magbabangayan dahil sa kapirasong tinapay na pinalamnan ng coco jam. tapos, nang magpasulat ako ng slant lines sa papel, may isang batang biglang nawala. nagmagtse-tsek na ako ng seatwork nila. biglang lumitaw si bulilit. saan ka nanggaling, usisa ko. 'pinagawa ko kay mommy ito e!' ayun! muntik na akong mautakan. kaya pinaulit ko sa kaniya. halos mangiyak-ngiyak, pero binanatan ko ng pagpapatawa. kaya lang, dahil siguro sa kakatawa, naging erect ang dapat sana ay slant. may isa din akong estudyante na araw-araw na ginawa ng dios e walang ginawa kundi magsumbong. 'titser, si popoy o, ayaw magsulat!' 'titser o, yung katabi ko, nambabatok.' 'titser o, tinuturuan siya ng nanay niya.' well, sabi ni ka gie. likas na sa kanila ang maging sipsip. kaya huwag daw masyadong pansinin. baka lumaki ang ulo. wow, may crash course pa sa child psychology!

siyempre, kailangan, pleasant lagi ang approach ko sa kanila. ang una kong ginawa, nagdala ako ng puppet, si boknoy. napilitan akong maging ventriloquist. di pa naman nila nahahalata na halos hikain na ako sa ginagawa ko kay buknoy. mahirap magsalita kapag halos tikom ang bunganga. walang labasan ng hangin. suwerte ko na lang at di ako napapautot sa harap ng klase! pag nagkataon, kailangan ko nang manghiram ng mukha.

buti na lang at maayos ang inihandang lesson plan ng neu. pero sinasamahan ko rin ng ilang pang enrichment activities para di maumay ang mga estudyante. kumbaga sa pagkain, kung puro adobo na lang ang ihahain, sino ba naman ang hindi mapupurga? kailangan ng variety. kangina nga, nagdala ko ng bola. nagpasahan kami habang nagbibilang mula 1 hanggang 20. tuwang-tuwa sila. ako, hindi makapaniwala. ang simple lang pala talaga ng pangangailangan ng isang bata. konting laro, konting aral, pero sagana sa concern at pagmamahal.

ang laki ng fulfillment sa pagtuturo. walang katumbas na halaga ng pera kapag nakikita mong ang dating tabula rasa ay napupuno ng makukulay na kaalaman. naikumpara ko tuloy ang sarili ko sa isang pitsel na punumpuno ng tubig para ipainom sa mga batang nauuhaw. hindi na kailangan pang maging doktor ng edukasyon upang magkaroon ng malaking impact sa buhay ng isang bata. ito lang ang naging guideline ko:

Turuan mo ang bata sa dapat niyang lakaran,
at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.

Kawikaan 22:6

*****

post script: one week na walang yosi. ang galing!
23:10


 
This page is powered by Blogger.